Netizens airs disappointment on Boy Abunda over Ella Cruz interview

Maraming netizens ang nag-ere ng kanilang mga sentimyento sa social media site na Twitter matapos mapanood ang naging panayam ng talkshow host na si Boy Abunda sa aktres na si Ella Cruz.

Matatandaang naging maingay na isyu ang 'history is tsismis' na pahayag ni Ella kamakailan. Isa umano itong pambabastos sa mga naging biktima ng karahasan noong panahon ng martial law.

"Another lesson is to be strong, really, really strong and stand for yourself kasi hindi naman ako nasasangkot sa malalaking issue. Ganyan. So hindi ako sanay. Saan ako nagkamali? Anong nagawa kong mali? May nasaktan ba ako? Alam ko sa sarili ko wala akong nasaktan. Siguro may na-offend ako pero hindi naman yun intentional 'di ba po?" lumuluhang lahad ng aktres sa panayam na mapapanood sa YouTube channel ng talkshow host.

"Kasi hindi ako naniniwala noon na dapat kang i-bully, dapat kang insultuhin. Hindi ako naniniwala noon na dapat kang parusahan lalo na kasamahan ka namin sa industriya. Kung meron kang hindi alam, e 'di ipapaliwanag, tuturuan," saad naman ni Boy Abunda.

Hindi ikinatuwa ng karamihan sa netizens ang pagbibigay umano ni Boy Abunda ng plataporma sa aktres para magamit nito ang 'victim card.'


"I get Ella Cruz's pain & trauma from getting bashed for sharing an opinion many found dumb & offensive. But opinions change. People evolve & learn," ani ng Human Rights activist at mental helth advocate na si Francis Baraan IV.

"Celebs are also human. Everyone deserves 2nd chances. But crying to Boy Abunda & playing victim is not redemptive—it's pa-victim," dagdag pa nito.

"Boy Abunda is wrong for allowing public opinion to shape based on emotions instead of facts," ayon naman kay Ed Fry (@FedicTheGreat).

"You know what you did wrong Ella Cruz stop playing ignorant and pa-victim. Tama na pagiging ma pride mo and admit your wrongs. Disappointed with Boy Abunda giving her a platform just to victimize herself. You are a grown adult Ella learn to admit your mistake," wika ni Kishimojin (@Sorachiihime).

"Grabe talaga si boy abunda, noh? As long as it gets views, who cares about the consequences diba? Ella Cruz openly denied the painful history of this country, what our PARENTS went through, and insulted the work of historians. If you’re gonna be stupid, you better be tough," Tweet mula kay Gabby (@abbugaduu).

"Did Boy Abunda just downplay proliferation of fake news? Did he just say that the Marcoses narrative was not taken into account in our history? Seriously, where is this coming from? Sinong nagsabi sa kanyang walang side ang mga Marcos sa history? Tunog tsismis at tunog troll," mula naman kay AJ (RedTuazon).

No comments:

Powered by Blogger.