Netizens, pinagtawanan, nadismaya sa "Anti-Ghosting Bill" na isinampa kamakailan


 - May kanya-kanyang hirit ang mga netizens sa nabalitaan nilang "Anti-Ghosting Bill" na isinampa ni Rep. Arnolfo Teves Jr. kamakailan 

- May ilang natawa, nadismaya, at nagalit sa batas na ito dahil mas maigi umanong pagtuunan ng pansin ang mga malalaking problema ng bansa

- Sa social media site na Twitter, maraming naglabas ng hinaing at nag-trending pa ito online dahil sa iba't-ibang opinyon 

Gumawa na naman ng ingay online si Rep. Arnolfo Teves Jr. dahil sa isinampa nitong batas sa House of Representatives na naglalayong bigyan ng pansin ang mga 'mentally unstable' dahil sa 'ghosting' sa pamamagitan ng "Anti-Ghosting Bill".

Sa pagsusumite ni Rep. Arnolfo Teves sa batas na ito, ipinaliwanag niya na maaring maging "mentally, physically and emotionally exhausting" ang isang taong na-'ghost' dala ng mga 'ghosters'.

"The ambiguity with ghosting is that there is no real closure between the parties concerned and as such, it can be likened to a form of emotional cruelty and should be punished as an emotional offense because of the trauma it causes to the ‘ghosted’ party," pahayag niya sa kanyang explanatory note.

Viral ito at trending pa nga sa Twitter dahil sa iba't-ibang opinyon ng netizens na natatawa, nagagalit, o nadidismaya sa 'di umano'y walang kwentang batas na ito.

Nagawan na nga rin ito ng ilang memes dahil mas binigyang-pansin pa ito ng gobyerno kaysa sa mga malalaking problema ng bansa tulad ng krisis sa edukasyon, pagtaas ng mga bilihin, at marami pang iba.

Samantala, matatandaang si Rep. Arnolfo Teves Jr. din ang may pakana ng proposal upang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport upang gawing "Ferdinand E. Marcos International Airport" dahil ang dating presidente at diktador umano ang nagpagawa sa airport.

Napatunayan namang ito'y "fake news" dahil nagsimula ang paggawa sa nasabing airport noong 1947 kung saan pangulo pa si Manuel Roxas.  

No comments:

Powered by Blogger.