Kris Aquino, nagbahagi ng update sa kaniyang kalusugan kasabay ng mensahe para sa ina: "I really pray kayanin ko"
May taos-puso at mahabang mensahe sa kanyang ina ang dating Kapamilya TV host na si Kris Aquino para sa ika-90 kaarawan ng yumaong dating Pangulong Cory Aquino.
Ginawa ito ni Kris sa pamamagitan ng pagbabahagi ng 10 minutong Instagram Reel na nagpapakita kung paano niya kinakaya ang apat na autoimmune disease, kasabay ng pagbabahagi kung gaano kahirap ang kanyang kasalukuyang sitwasyon.
Ginamit din ni Kris ang pagkakataon upang ipaliwanag ang mga kondisyong kanyang kinakaharap, at naniniwalang nakikita ng kanyang ina ang lahat mula sa langit.
Sa pagtatapos ng video, inihayag ni Kris na bilang pagpupugay sa kaarawan ng kanyang ina, plano nilang bumisita sa "Happiest Place on Earth."
“My promise for kuya timed for your birthday. I really pray kayanin ko even just 5 rides so kuya will have happy memories during this whole ordeal. It’s because of the example you set that even when my deep bone pain is awful or my vascular urticaria is everywhere – I don’t complain. I want kuya and Bimb to see they are worth all the pain and discomfort because I know they still need me.”
“Mom, the best tribute I can offer you is that even those who say they hate my guts, always put a qualifier. Saludo raw sila sa pagpapalaki ko kay Kuya and Bimb – parehong respectful, affectionate, hindi namimili ng taong kakaibiganin.”
Ikinuwento rin ni Kris na lagi umano niyang binabanggit sa mga anak na sina Bimby at Josh na ang kanyang ina ang kanyang pinakahuwaran sa pagpapalaki sa mga ito.
"I’m forever going to be proud to be Cory’s baby, and the mama of Kuya Josh and Bimb,” wika niya.
Bahagi rin ng mensahe ni Kris sa yumaong ina na hindi na umano siya naghahanap ng taong magpaparamdam sa kanyang kompleto siya.
“You told me many times, I’ll only have a successful relationship if I find your male version… but with all I’ve been through I finally see so much of you in me – what I’m trying to say Mom is I’m no longer looking for someone to complete me. Finally realized the truth in what you’d always say to me: ‘Kristina, know your worth.’ Yes MOM I do."
No comments: