2021's Highest-grossing Filipino Film, Love Is Color Blind to have it's free TV premiere on TV5 this February


Muling balikan ang makulay na love story nina "Ino" at "Cara", this time... sa free TV. 

Ngayong February inaasahang 
magpe-premiere sa free TV ang romantic-comedy movie na "Love Is Color Blind" sa TV5. 

Parte ito ng Valentine's offering ng TV5 sa mga viewers nito ngayong araw ng mga puso. 

Pinagbibidahan ng "New Gen Phenomenal Loveteam" na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ito ang unang pelikula ng #DonBelle matapos ang successful run ng 1st season ng ABS-CBN romcom series na He's Into Her. 

Mula sa ABS-CBN Film Productions (Star Cinema), in collaboration with Cignal at Smart na mga sister companies ni TV5, pinalabas ito noong December 10, 2021 at naging highest-grossing Filipino Film ng taong iyon sa kabila ng limitadong release nito. 

Inaantay pa natin sa ngayon ang official announcement kung anong araw at oras ipapalabas ang naturang movie. 

Ang TV5 ang isa sa mga free TV platforms ngayon ni ABS-CBN Entertainment, at isa rin sa magsisilbing platform ng upcoming #DonBelle serye na Can't Buy Me Love na eere ngayong taon din. 

No comments:

Powered by Blogger.