Robi Domingo and Bianca Gonzales, "official" hosts na ng The Voice Kids

It's official, ang Kapamilya TV hosts na sina Bianca Gonzales at Robi Domingo na ang magsisilbing hosts ng upcoming Kapamilya reality-singing search na The Voice Kids.

Sina Gonzales at Domingo ang papalit sa pwesto na babakantehin nina Luis Manzano, na nakatakdang i-host ang new season ng "I Can See Your Voice", at si Toni Gonzaga na lumipat na sa struggling TV network na ALLTV.

Magsisilbi namang judges ang mga Kapamilya singers na sina Martin Nievera, KZ Tandingan at rock icon na si Bamboo.

Mapapanood na simula February 25 (Sabado) at February 26 (Linggo) ang The Voice Kids, 7PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z Channel 11.

May delayed telecast naman ito tuwing Sabado (8PM) at Linggo (9PM) sa TV5. 

No comments:

Powered by Blogger.