Dream Maker Grand Finale, gaganapin na ngayong gabi

Ngayong gabi na, February 12 gaganapin ang "Dream Finale" ng Kapamilya talent-reality search na Dream Maker: Search for the Next Global Pop Group.

Ito na ang huling gabi para patunayan ng Top 16 Dream Chasers ang kanilang galing at matupad ang kanilang K-Pop Idol dreams.

Gaganapin ang Dream Finale sa Caloocan Sports Complex ngayong gabi, at eere ng LIVE sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at PIE Channel pagpatak ng 8:30PM. 

May delayed telecast naman ito sa TV5 mamayang 10:30PM.

No comments:

Powered by Blogger.