Kapamilya 🤝 Kapatid: TV5 welcomes more shows of ABS-CBN Entertainment on it's free-to-air channel
Mas pinatibay pa ang samahan ng bawat Kapatid at Kapamilya.
Matapos ang mahigit dalawang taon simula nang ilunsad ang kanilang blocktime agreement deal, 10 na ABS-CBN programs na ang eere at umeere ngayon sa TV5.
Kasunod ito ng pagpasok ng Kapamilya morning program na "Magandang Buhay" nina Melai Cantiveros-Francisco, Jolina Magdangal-Escueta at Regine Velasquez-Alcasid noong Lunes, February 6; at ang pagsisimula ng Kapamilya reality-singing search na The Voice Kids hosted by Robi Domingo at Bianca Gonzales na magsisimula na sa February 25 at 26.
Magsisimula na rin bukas, February 13 ang "FPJ's Batang Quiapo" na halaw sa 1986 box-office hit classic ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano.
Mula sa produksyon ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape at CCM Film Productions, ito ang magsisilbing comeback project ng Primetime King na si Coco Martin, 6 na buwan matapos mamaalam sa ere ang 7-year action serye na "FPJ's Ang Probinsyano".
Papalitan nito sa 8PM slot ang Kapamilya fantaserye na "Mars Ravelo’s Darna" na nagtapos na noong Biyernes, February 10.
Sa February 14 o Valentine's Day naman magsisimula ang romantic-comedy
K-drama na "The Great Show" na tungkol sa isang dating pulitiko na gumawa ng isang "malaking palabas" para makabalik ito sa mundo ng pulitika.
Sasamahan ng 4 na Kapamilya shows na ito ang "ASAP Natin 'To!", "FPJ Da King", "Dirty Linen", "The Iron Heart", "Everybody, Sing", at "It's Showtime" na umeere na sa TV5.
Maliban sa TV5, mapapanood din ang mga programa ng ABS-CBN Entertainment, kabilang ang ABS-CBN News sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z Channel 11.
No comments: