From "Best Actress" to "Vlogger"?!: Nadine Lustre launches her own YouTube channel
Mula sa pagiging Best Actress ng ilang beses, magiging vlogger na nga ba ang grand-slam actress of this generation na si Nadine Lustre?
Ito ngayon ang tanong matapos opisyal na ilunsad ni Lustre ang kanyang YouTube channel.
Sa kasalukuyan, meron nang 26,200 subscribers ang YouTube channel ni Lustre at nakapag-upload na rin ng isang video na tila pinapakita ang magiging intro ng mga "future" vlog ng aktres.
Di na rin bago kay Lustre ang ganitong uri ng platform lalo't nahasa na rin ito sa hosting ng maging parte ng Kapamilya noontime show na It's Showtime noong 2017.
Matatandaang umingay uli ang pangalan ni Lustre nitong 2022 matapos nyang masungkit ang Best Actress award sa 2022 Metro Manila Film Festival para sa horror film na "Deleter" ng Viva Films.
Ito rin ang nanguna sa MMFF 2022 box-office derby at malamangan ang erstwhile top-grosser na Partners in Crime ng ABS-CBN Film Productions at Viva Films.
Base sa huling datos noong January, humamig ng ₱240-million sa takilya ang horror film ni Lustre, at naging "highest-grossing Filipino horror film".
No comments: