Cristy, hindi natutuwa sa pinagsasasabi ni Alex G: "wala pong garter ang dila!"


 - Tila may patutsada ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga inaasta umano ni Alex Gonzaga

- Pinagkuwentuhan din nila na napansin nilang hindi iniiisip maigi ni Alex ang kanyang mga sinasabi

- Pinagkumpara rin ni Cristy ang ugali ni Toni Gonzaga sa kapatid niyang si Alex na nagka-isyu rin kamakailan

May pahayag ang kilalang showbiz vlogger na si Cristy Fermin patungkol sa 'inaasta' ng artistang si Alex Gonzaga.

Tila hindi kasi nagustuhan ni Cristy ang ugali at mga pinagsasasabi nito kaya naman napag-usapan siya sa 'Showbiz Now Na' YouTube channel kasama sina Wendell Alvarez at Morly Alinio.

“Ako sa, akin ah, sa panukat ko, wala pong garter ang dila. Dahil kung meron, dapat alam niya kung anong sasabihin niya sa tamang panahon. ‘Yun ang akin, ‘yung alam niya dapat kung kailan niya bibitiwan ang salita sa tamang tiempo,” hirit ni Cristy.

Nachika rin nila ang mga 'di umano'y 'di iniisip na pinagsasasabi ni Alex Gonzaga kaya naman naikumpara ito sa kanyang ateng si Toni Gonzaga.

Malayong-malayo kung ituring ni Cristy ang pinagkaiba ng dalawa dahil iniisip muna ni Toni ang kanyang mga sinasabi 'di katulad ni Alex na "bara-bara" lang.

May nagtanong nga rin daw kay Cristy patungkol sa ugali ni Alex padating sa pamilya at kamag-anak.

“Ang magulang, hindi yan pinaglalaruan, hindi yan binabastos. Dapat ang magulang talaga namang nirerespeto,” chika ni Morly.

“Meron kasi tayong tinatawag na partition ng kagandahang asal sa hindi. Dapat alam n’ya ‘yon. Dapat alam n’ya na sa isang nirerespetong komunidad, wag kang lalagpas doon. Siguradong may masasabi ang tao,” naging tugon naman ni Cristy.

Dagdag pa nito, “Siya talaga marami siyang salita na hindi katanggap-tanggap sa isang sosyedad na kagandahang asal ang hinihingi.”

Sinang-ayunan din niya ang sinabi ni Morly na matagal nang ginagawa ito ni Alex ngunit ngayon lang umingay dahil sikat na siya sa industriya.

“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matatanggap ng ating publiko ang ganoon niyang ginagawa. Hahanapan na siya ng pagrespeto sa magulang niya, sa kapwa niya, sa mga taong malapit sa kanya. Unti-unti yan, mararamdaman niya,” hirit pa ng manunulat.

No comments:

Powered by Blogger.