Vice, naimbyerna sa fake news na nagkaroon sila ng alitan ni Marian Rivera; "Super yuck!"
Hindi napigilan ng Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda na dedmahin ang showbiz report mula sa programang Frontline Sa Umaga ng TV5 tungkol sa umanoy pagkakabati nila ng Kapuso actress na si Marian Rivera.
Ayon sa headline ng report, natuldukan na umano ang kanilang iringan ni Marian dahil sa kanilang 'sweet bonding moments' nang magkita ang dalawa sa ginanap na Preview Ball 2022 kamakailan.
Pinabulaanan ni Vice ang nasabing headline at ni-retweet ang video mula sa News5."Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!," iritang caption ng unkabogable star.
Sa isa pang tweet ay tinawag ni Vice na isang fake news ang nabanggit na report. "Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! TAE!," aniya.
Agad namang humingi ng paumanhin ang TV Host at News Anchor na si Gretchen Ho at sinabing iimbestigahan ang nasabing report at ipaparating ito sa producers.
Sa kabila ng seryosong usapin, hindi rin ikinatuwa ni Vice ng magkomento ang TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori sa isyu dahil sa paggamit nito ng tumatawang 'emoji'ng linawin nito na hindi sa kanya ang nasabing report. "Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nagjoke po ba?," iritang tugon ni Vice.
"I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend," paghihingi naman ng paumanhin ni MJ sa comedienne/actor.
Pinutakte naman ng mga opinyon galing sa netizens ang naging tweet ni Vice. "Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ng mga ganitong klaseng balita na ipahayag na lang basta sa publiko nang hindi inaalam kung tama ba at totoo ba. Maraming naaapektuhan sa ganitong klaseng sitwasyon, obligasyon nilang alamin kung tama ba at totoo iyong ibinabalita nila," komento ng isang fan.
"The laughing emoji changed the entire tone and intent of the tweet. It was unnecessary and inappropriate."
"Sana po bago kayo nagrecord, since nabasa mo ang script, nag fact check po kayo. Could have ask teammates or ang source kung legit ba ang balita. Sayang ang diploma na pagging journalist kong di magagamit ng wasto. Just saying," ayon naman sa isa pang netizen.
Kasalukuyan namang nakapribado na ang buong video ng ulat na inupload ng News5 sa kanilang YouTube account.
No comments: